IT’S OVER…
I still can’t get over the fact na tapos na ang Xmas vacation…
I still can’t get over the fact na pasukan na bukas…
I still can’t get over the fact na
3 MONTHS pa bago ulit ako makabalik ng Quezon…
I really love it there. Who cares kung walang tv? (actually meron, kso ch5 lang ang station) kung walang phone at PC? kung ang signal doon ng SUN ay napaka-rare? kung hindi uso ang gripo at de-poso ang tubig? kung minsan, nawawalan ng kuryente??? Pero lahat ng
downs na yan ay natabunan ng fact na naka-meet ako ng friends thru different instances…mga sitwasyong hindi sinasadya…mga taong napaka-caring at protective…(im the youngest in the crowd kasi..lahat sila hindi bababa ng 20yrs.)
Kapag nadadaya ako sa tagay…
JANGO: ang taas ng tagay sa iyo. ako nalang iinom nyan.
Kapag bangag na ako…
ME: hindi na ako makakalakad..mahuhulog ako sa ilog..
UTOK: di ka mahuhulog. bubuhatin kita.
Nung may nagsuntukan dahil sa kalasingan at ilan pang rason…
YBELLE: nabunggo ka ba? okay ka lang?
JANGO: pasensya na..
UTOK: *ngiti, kamot sa ulo, sabay apir*
TOMAS: nakakahiya sa inyo, nag-away pa sa harap ng mga dalaga..
Sa mga kantsawan…
TOMAS: ano masasabi mo kay Utok? (ngiti)
ME: ayos lang, madaldal.
TOMAS: masarap kausap? (ngiti ulit)
ME: oo.
TOMAS: nakilala mo na ba si Brother?
ME: nagkita na kami.
TOMAS: nakausap mo na?
ME: hindi pa.
TOMAS: pupunta yun dito mamaya. kapag nakausap mo yon, baka makalimutan mo si Utok. (todo ngiti)
ME: 0_o
ME: ano ba pinagsasasabi mo??
ALLAN: oy...pinsan ko yan..isusumbong kita sa tatay nyan..
(Note: wala po ako gusto kay Utok)
At nung paalis na ako…
ME: paluwas na!!
MELISSA: cge, sa Abril nalang ulit! Ingat ka!!
At yung text sa akin kanina ng pinsan ko…
DADA: tapos na nga vacation. Andito sila Tomas. Inuman na daw kayo.
Shit..! nakakamiss lahat ng pinaggagagawa namin don. Hindi ako tomador by nature, pero kapag nasa Quezon ako.. and then sabi ko, don ako magbabakasyon sa summer. I was so excited. That was until…
ROY: e diba NSTP mo sa bakasyon..?
ME: .......
ME: shit.
Crap! Oo nga pala! Bakit naman kasi summer lang ini-offer yung NSTP sa college namin?? So imbis na 1 month ako sa Quezon, naging 1 week lang, and that’s Holy Week! And after that, baka Xmas vacation na ulit! Waaah!!! Cruel, cruel world…
At nagyon, tinatamad ako gumawa assignments…
Tinatamad akong gumising ng maaga…
Tomorrow..pasukan na naman…
Bukas…