Sunday, February 29

motivation such an aggravation
accusations don't know how to take them
inspiration getting hard to think it
concentration never want to break it
situation never what you want it to be


papasok na ako lagi sa trabaho.
ang walang hiya ko talaga.

*blech*

Wednesday, February 25

meron kaming first and last super dooper long exam worth 40% ng aming HRM life.... nakakapampatalino ba talaga ang chocolate..? *sigh*

Sunday, February 22

makati shangri~la

kagagaling ko lang galing sa hotel overnight stay namin kahapon hanggang ngayong tanghali. medyo mahal yung binayaran, pero, sobrang worth it! as in sobra, sobra!!

LOBBY. Oh..my..God..

SEMINAR. Alam naman nating mga estudyante na ang "seminar" goes side-by-side with "sleep", pero this time, sobrang kakaiba. Nakaktuwa nga eh, akala ko aantukin ako. Katirikan ng araw sa labas, patay na oras, pero hindi ako inantok. Eh bakit naman kaya? Kung yung mga speakers ay nakakatuwa, yung tiyan mo laging nagpaparamdam ng pangangailangan, nakaupo ka sa front row, at merong almost-funny almost-cute (nga ba..?) na guy sa tabi mo, makakaramdam ka pa ba ng antok?? Hindi na no! Hehe..

KITCHEN TOUR. Astig! May free food pa along the way. Nakakahilo kasi pabalik-balik at paikot-ikot kami, pero okay na din. Masarap naman yung foods.

MY ROOM, 726. Shet...bakit hindi ako mayaman? May double-size na bed para samin ng roommate ko, malaking tv, sobrang lalambot na pillow, separate study table at extra table, mini bar, malaking closet, at shet talaga... Tas kapag binusan mo yung curtains para makita ang view sa labas, makikita mo, tapat na tapat, ng napakalaking... (drumroll)...PLDT bldg. Nyek. Pangit view. Pero yung bathroom -- 0_o... Astig yung bathtub (na ginamit ko talaga), pero mas astig yung shower room. May tatlong beses ata ako naligo eh, kasi astig talaga. Ang daming towel, di ko alam kung para san yung gamit nung iba. Yung bathrobe..mabigat eh. Tas syempre, first-class yung dating nung mga shampoo, sabon, etc.. na tinangay ko pauwi (syempre..!) Yun ngang bags at fuzzy slippers gusto ko din tangayin, kaso may bayad pala, baka mahuli.. hehe..

GYM, SAUNA, POOL. Sa kasawiang palad, hindi ko nagamit ang mga ito. Free use pa naman namin... yun kasing mga kasama ko aya ako samahan, kakainis. Yoko naman mag solo flight. Yan lang siguro yung super pinanghihinayangan ko.

ROOM 604. Room ni Mike. Sinalakay namin. Sinabotahe namin. Nabadtrip samin. Napalayas kami. Naghiganti. What do u expect happened next? Pillow fight.

BUFFET BREAKFAST. Kung wala lang time limit...bondat na siguro ako ngayon. Syempre kasama na to sa bayad namin... From 6-10am lang kasi breakfast eh, e nagsibangunan kami ng 8am na. Naligo pa. Nakakain kami malapit na mag 930am. At grabe talaga! the best!! Yung isang buffet table, may lamang fried rice, longganisa, bacon, ham, siomai, corned beef, adobo, at ibang hindi ko alam. Yung kabilang buffet table, may lamang different kinds of bread, different kinds of fruit, may mga sushi pa, at kakaibang deserts. Yung beverages... hot choco, hot coffee, cold mango, cold orange-mango, at cold milk para sa koko crunch at flakes. Halo halo kinain ko, sumakit tuloy tiyan ko. Eh you have to take advantage of everything eh. At nung binigay na sa min yung bill (na hindi namin kailangang bayaran), umabot kami ng Php800 per person. Astig talaga. Dalawang linggong baon ko na. Para lang sa breakfast. At yun na yung pinakamurang restaurant don sa hotel! Haay..bakit nga ba ulit hindi ako mayaman..? *sigh*

Sa totoo lang, sobrang magastos kami sa damit. Naka-apat na palit ata kami ng damit, e overnight nga lang yun eh. Laki tuloy ng mga bags namin. Sobrang sinulit namin (pwera nga sauna, gym at pool). And im fortunate enough na makapanood ng GTO sa Animax. Kahit tatlong episodes lang. Ang ganda pala non. Saktong 2pm kanina, nag check-out na kami, at maya-maya, nasa labas na kami, kanya-kanyang kayod pauwi. Wala nang luxury, balik na sa dating gawi ng buhay. Hay naku..ang bilis matapos ng mga bagay-bagay no? Parang kanina lang..tas ngayon.. Oh well, ganyan talaga.. Buti na lang may memories. Yun na lang. Hehe..at after nga ng luxury na yun.. exam naman. Bawi agad oh! Prof ko talaga...

Wednesday, February 18

THE FRIENDSHIP TEST

tonight, i discovered 2 new friends. kilala ko na sila dati pa, friends ko na sila dati pa. pero this night, nakilala ko sila ng lubos.

1) First is my bestfriend, my patner. Grabe, sobrang napraning ata ako tonight. Akala ko kaya ko pa, pero, hindi ko na napigilan. Kasi nga diba, im always at war with my mom (tingnan nyo info ko sa right). This time, it got worse, at napagtulungan pa ako nung mag-asawa. I felt so bad, sobrang down ko. Umiyak na lang ako (ewan ko kung napansin nila) at para akong natanga. Di ko na alam ginagawa ko, nanginginig ako habang umiinom sa baso, muntikan ko pa mabasag. Basta halo halo emotions ko -- mad at them, mad at myself, sad, empty, rebellious, not needed anymore...and for the 2nd time after soooo many years -- i suddenly have suicidal thoughts. punta ako room, kuha ng pentel pen, at don ko sinulat sa door ko yung mga feelings ko. Iyak lang ako ng iyak. Im really, really down. Gusto ko maglayas, gusto ko mawala.

And then, tumunog cel ko. Si jenny. Bad pa yung dala nyang balita. Pero nakatext ko sya. Kwento ko sa kanya yung nararamdaman ko. At sobrang na uplift ako after having a chat with her. Kahit text lang. Inubos pa ata nya load nya para lang sakin. Sobrang nakakatouch. Sabi nya baka daw corny na yung sinasabi nya. Well, girl, HINDI noh! I know na anjan sya para sakin, pero sobrang iba lang yung feeling kapag talagang nawi-witness mo yung pagiging *around* nya. Damn, i love this girl! Sobrang pinalakas nya loob ko. After talking with her, i felt stupid. Suicidal thoughts?? Ang gago ko. Binalik nya yung fighting spirit ko. Grabe, pano kung hindi nya na-sense na itext ako?? Siguro hanggang ngayon, tanga pa din ako. Ay naku! Jenny, im so damn thankful na ikaw ang bestfriend ko!! Thanks talaga!!!! *mwah*

2) Second is a very close friend and confidante. The last time we talked, na-sense ko na there's something..different. But i did not pay attention. Sabi nya, kung may *problem* daw siya, or may kailangang sabihin o aminin, syempre dapat malalaman namin (ni jenny). So, i trusted her. And then, ngayong gabi lang rin, (eto yung bad news ni jenny) naconfirmed na nga na talagang may *problem* sya. Na may dapat sya aminin sa amin na di nya inamin. Ang masama don, nalaman pa namin through other people. Syempre, medyo nainis kme ni jenny. Feeling ba nya wala kami pakialam? Feeling ba nya, masasabihan namin sya ng "i-told-you-so"? Feeling ba niya...feeling ba nya...shit! ano bang feeling nya?!? O humihingi lang siya ng time? pero kami 'to eh.. i asked her many times na, sinabi nya okey daw sya, surviving pa. O gusto nya hulaan namin..? Ewan ko, i feel bad. Confidante ko sya eh, and vice versa. Bakit naman ganon..? Anyway, di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na *alam* ko na, namin ni jenny. I think i'll still give her time. Kapag medyo matagal na, at hindi pa nya nababalita sa amin, it's my turn na siguro. After all, friends kami diba?

Sunday, February 15

PINAGTAGPI-TAGPING YARA

Haha! Fully-booked ako this Valentines Day. May trabaho ako kasi. Hahaha!! Kailangan kong gumising ng maaga, magtiyagang hindi kumain ng lunch, makipagngitian sa mga guests... hahaha...i love this job... T_T

After ng madugo kong trabaho (buti naman nasweldohan agad ako), kailangan ko naman mag-prepare para sa isang debu. Pucha! Strictky formal pala yun! Akala ko basta basta formal lang. E ang damit ko lang ay blouse, black na slacks at black leather shoes. At yung dalawa kong kasabay, naka gown. Eh ako.. kulit ko kasi eh! Pinadadala na sakin yung sandals at palda ko eh, hinindian ko pa. Hassle kasi kapag daming dala, eh galing pa nga ako trabaho.

Pero, parang mga hulog ng langit, nakarating ako sa Camelot Hotel (dun yung venue) ng naka-gown. At may gusto akong pasalamatan kasi yung damit ako ay pinagtagpi-tagping kagamitan ng iba't ibang tao:

SANDALS -- Aisa!! Buti na lang may dala kang extra sandals na sakto sa paa ko!!

WHITE GOWN -- Miriam girls!! Buti isinasabit nyo lang basta-basta sa tambayan nyo yung graduation dress nyo!!!

SHAWL -- Lea!! Maganda na gown mo talaga! Di na kailangan ng shawl. Thanks!!

STRAPLESS NA BRA -- Ayoko man aminin, nanghiram din ako nito...Spaghetti strap kasi yung dress kaya makikita yung bra ko. At si Lea!! may baong extra. Hmm..bakit kaya meron sya non..?

SANRIO -- Lea ulit!! Para di nakalugay buhok ko.

MAKE-UP -- wala kasi akong alam tungkol dito. So yung mga gamit, hiniram ko sa iba't ibang tao. Kay Aisa, Janice, Rachel, etc..

So in short, nakarating ako sa debu na ang dala-dala ko lang talaga ay ang sarili ko (as in katawan ko, literally) at ang aking panty/undie. And the rest...is history.

Thursday, February 12

TRAPO

Ang aga ko lumabas ng bahay namin kanina, quarter to 5. Madilim pa sa labas, tas wala pa ilaw yung poste namin. Ewan ko ba, wala na ata kaming pambayad ng ilaw ng poste. Ang dami kasing kapitbahay na hindi nagbabayad ng tubig, kaya dun kami binawi sa ilaw. Ingat na ingat ako sa paglalakad, baka may matapakang hindi kanais-nais na bagay. Dami kasing aso. Isa lang ang posteng may ilaw, yung nasa entrance ng munti naming matirik na subdivision. Doon sa tapat ng waiting shed. Napansin ko, parang may mga nakasabit doon sa dahon at sanga nung puno namin ng acacia. Nung malapit na ako sa baba, at nung maliwanag na dahil sa ilaw ng poste, saka ko nakita. 'Tang 'na yan! Muka pala ni Gloria nakasabit! At hindi pa sila nakontento. Pati yung katawan ng acacia, dinikitan ng malaking banner! P*ta! Mas matanda pa sa kin yung punong yon, landmark ng subdivision namin, tas dinikitan! Saka ko lang napansin yung paligid ko. Yung waiting shed namin, parang pinagdikit-dikit na muka ng kung sino-sinong mga kandidato. Nakangiti pa si FPJ. At marami pang naglalakihang pangalan. Nakakairita silang lahat!! Nagmuka nang basurahan yung entrance ng subdivision namin. Di bale sana kung pagkatapos ng eleksyon babalikan nila yung mga kalat nila don eh. Pero hindi naman. Hanggang kelan ko pa makikita sa baba namin yung mga nakakasura nilang pagmumuka? Buti nga yung bagong pinturang waiting shed nung katapat naming subdivision pinatawad eh. Ganyan naman sila. Sa lahat ng mga nakadikit doong muka at pangalan, may makikita kaya akong talagang maipagmamalaki ko? Nakakaasar, nawawalan na ata ako ng tiwala sa pulitiko. Botante pa naman ako ngayong eleksyon. Nagiging pessimist na ata ako ngayon ah. Nakakasawa din kasi. O baka nadadala lang ako nung kanta...

Jueteng at illegal logging
Me sideline, rape at kidnapping
Dealer ng shabu at UZI
Commander ng private army!

Me-ari ng subdivision
Stockholder ng corporation
Landlord na, landgrabber pa
Anak ka ng bobong tanga!

Ang hirap mong hulihin
Lahat kaya mong bilhin
Wala kang silbe, wala kang silbe sa amin.

Trapo, trapo ka kase
Trapo, trapo, trapo ka kase.
(Repeat)

Di na binoboto pero nananalo. (4x)

Me misis pero siyam ang kabit
Na-adik kaya sabik na sabik
Ang kapal mo, hindi ka manipis
Ginugudtaym mo lang ang aming buwis!

Mas maraming absent kesa present
Di ginagawa kanyang assignment
Mula Lunes hanggang Biyernes
Wala sa Kongres, panay ang beauty rest!

Ang sarap mong ihawin
Ipalamon sa mga pating
Wala kang silbe, wala kang silbe sa amin.

Daming kalokohan pero napagtatakpan. (4x)


Thursday, February 5

HW WILL I DIE NEXT..?

***FLASHBACK***


Summer 1994

Maribel, Carol, my brother, me.

Playing. Laughing.

Until we saw it. The gun under the staircase.

My brother took it...

...and pointed it to me...

...and pulled the trigger...

A gun kept under the staircase shouldn't have a bullet, right?

...right?

BANG!!

***END OF FLASHBACK***


I remember i should have died that day. And i thank my lucky stars and the Lord above that i did not. The impact of the shot threw my brother backwards and instead of the bullet hitting me, it hit the roof. My cousin (who owned the gun) came running when he heard the shot. He asked us who did it. None of us spoke. I felt numb. I can't even speak. I was rooted to the spot. Since then, i got afraid of guns.

And last night, i died again. I was shot again. How many times do i have to die in my dreams? I drowned, i was stabbed, i was poisoned, i was shot. Again. Again. Again. And the worst thing here is that i always feel it. Always.

It all started when i was in fourth year highschool. At first, it got me paranoid. Dying inside my dreams isn't exactly paradise. Until i got used to it. Until i finally asked myself, "i wonder how will i die next time.." It's creepy, but it's always there. They say that if you dreamt about death, it means a new life. But do i always have to die? And it's not only me dying. Sometimes, i see other people die. People i don't know. They die in front of me. Damn! When will all this stop? Im starting to get scared again... scared, scared, scared.

And now i wonder...will i die again tonight..?

Monday, February 2

Lookie! Lookie!!

wai~ new layout... asteeeeeg!!! Ilang gabi din yan ha... This is the version2 of my blog entitled..."plok! plok! plok!" because it's the sound effect of the rain falling on the roof. This layout kinda reflects my sentimental side, of which only a few chosen people had personally witnessed. And well, i haven't seen the rain for a while, and especially now that summer is getting closer, and all that.. blah blah blah blah blah blah blah.

And oh yeah, you are listening to Rurouni Kenshin's 4th ending song, "it's gonna rain."

Special thanks to Camille and Jenny, who made the finishing touches of the layout. Love yah guys.

Sunday, February 1

NAKAKATAKOT ANG BUKO PANDAN

I hate buko. Nagkatrauma kasi ako nung bata ako..nasuka ako pagkakain ko ng buko.
Tas nga etong birthday ni Aisa, ang desert kasi ay buko pandan. Sabi sakin ni jep, kain daw ako nung gulaman lang, ung parang gelatin na green. Hindi naman daw kasi lasang buko yon. Edi ako naman, medyo ayaw ko pa, eh napilit nya ko. Kaya isinubo ko yung isang gelatin. Tas...pucha!! Sobrang lasang buko!! Nakakbadtrip!! Pinipilit kong lunukin, kaso ayoko talaga. Kaya ayun, inilagay ko yung pira-pirasong gelatin sa ilalim ng dila ko tas nakabuka lang yung bibig ko para hindi ko talaga malasahan. Naghanap kme ni jep ng pwede ko duraan. Hinahanap namin ung cr ng girls, kaso una naming nakita yung cr ng boys. Sabi nya dun na lang daw. Edi syempre ayoko sa cr ng boys diba? (referring to the ghost and creepy guy incident) E talagang desperado na ko, kaya ayun ulit, napilit nya ko.

Pagdating sa cr ng boys andun si Emman! Umiihi pa ata!! Kaya hindi ako pumasok. Baka may makita pa akong bagay-bagay na di dapat makita eh, mahirap na. Sabi ni jep, si Emman lang naman daw un eh. Kahit pa 'no! Tas sabi ba naman ni Emman "sige na, aalis na ko" na para bang may gagawin kme ni jep na kababalaghan! Edi lingon muna ako sa paligid, baka kasi may makakita sa kin na pumasok ako sa cr ng boys. Nung clear na ang view, pumasok ako. Sabi ni jep, iluwa ko na lang daw dun sa bowl. Eh ang baho-baho dun eh! Ayoko nga! Sa sobrang desperasyon ko, dun ko na lang niluwa sa lababo yung gelatin. E yung gripo don may nakakabit na hose, kaya hindi namin mabuhusan. Kaya yung gelatin, nakakalat don sa lababo. Yuck, kadiri diba? Tas si jep, tawa ng tawa, ang baboy ko nga kasi eh. Argh!

In the first place naman kasi, kasalanan ni jep yun. Tas tatawanan nya ko. Ang pangit talaga ng lasa. Uminon na nga ako ng tubig, ayaw pa din mawala..! Kaya yung sprite, parang ipinangmumog ko pa. Ang baboy ko na talaga..nakakahiya...

At dahil don, di na talaga ako kakain o iinom ng kahit na anong may kinalaman sa buko. Ang nakakaasar lang kasi, karamihan sa mga parties, buko pandan ang desert. Kaya lagi na lang akong hindi makakain. Baka sakali lang daw kasi na kapag nakakain ako nung gelatin, mamulat ako sa mundo ng buko. Na baka me-realize ko na masarap pala yung buko. E lagi na lang masama yung nangyayari kapag kumakain ako nun eh. Hindi ko nga alam kung bakit gusto ng maraming tao yun eh. Ayoko na talaga nun..hindi na nila ako mapipilit..ever!


***************************

Nga pala, hindi ako napagalitan ng mga magulang ko. Pero, yung magaling kong tito yung sumita sa kin.

Tito Oying: anong oras ka umuwi kagabi?
Me: ...ala una.
Tito Oying: lokoloko ka talaga! Sinong kasabay mo?
Me: ...ung mga taga-Binanginan.
Tito Oying: baka naman lasing ka pa pag-uwi mo!!
Me: ...hindi ako uminom. (true! true!)
Tito Oying: baka naka-drugs ka?!
Me: ...ha? (sabay taas ng kilay)

Ngek! Ano kaya un??! Muka na ba akong drogista??? Kesyo daw sabi nya na ang payat ko daw, tas ang laki na daw ng eyebags ko kasi lagi akong puyat (baka daw kaya hindi ako makatulog), at kaya daw isa lang ang suot kong hikaw.. pero ngek, diba? Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o ano eh. Drogista... x_x
The Costume Party


Today..(or is it yesterday? it's already 2am..) is Aisa's 18th birthday party!!! And because she's Aisa, it's a costume party!! The idea of a costume party got my brain working for a while, until it finally burst -- without having any idea what to wear. And a good college classmate (jam, kung nababasa mo 'to...salamat!) suggested our highschool uniform. So it's not exactly a costume..but hey! i could pretend like a highschool girl, right? And besides, all of us already missed our HS uniform, and them seeing us in that garb will surely bring lots of old memories...so there! I asked another kabarkada of mine to wear her uniform so that there will be two of us and it will be fun. It's like a dare thing -- going to a party wearing our old unform...

When we arrived...
Valerie was wearing a cowgirl outfit, Krisdan was an indian, but he looked like a witch-doctor of some sort, Jeff was a dementor, Emman, i guess, was an NPA, Jason was wearing formal clothes, Marianne, Jayjay, Markrey, Francis and Macy were wearing casual clothing, Roy i guess was a construction worker, Gerald and Marion were in their college uniform (they came from school), and Vida, Vina, Koney, Freya, Aida and MJ were in their japanese school-girl outfit. (it's really cool!! they're in mini skirts, long white polo shirts with a tie matching their skirts, and knee-length socks, just like the usual anime-student uniform!! i like that one. im gonna have that one!!!) They won the best group costume. Really, really cool!!

Other guests were wearing casual clothings, too. But there's a Darth Vader (he won the best costume award), a cheerleader, girl-bodyguards of a movie i haven't watched yet, a Muslim princess, a fairy, Egyptian princess, and others who i did not recognize who/what they're trying to portray.

I can say it's one heck of a party. The food was really great, the music loud (err..), lots of familiar faces, a reunion of some sort, and a very heart-warming speech from the debutant herself...(it's really touching) I don't want to go home yet, but it's already past twelve, and my parents weren't texting me -- which was a bad sign -- and the people who were supposed to go home with me were already packing up...so i have to leave, earlier than most of them.

And now, here i am, and this is the second thing i did (first was to change clothes) after i arrived. And after i post this, im going to sleep, hoping that my parents aren't mad or anything at me for going home this late. But hey! im already in college, im 18, and i can take care of myself, and my friends can also take care of me, and anyway, they did not text me or told me to go home early, and i really had lots of fun, and i got home safe and sound, so i guess they shouldn't be mad or anything. Anyway, i would know that later..after i woke up. If they gave me the silent treatment...then that's it! Oh well..don't really care...i enjoyed myself...and i won't let that spoil anything. im really, really happy -- and tired.

Next birthday is on February 14!!! Hope to see them there again! ^^